sa maiksing panahon na nakasama ako sa Ps333,net nalaman ko kung gaano kayaman sa talento mga taga Rizal. Dami palang magagaling na musikero sa grupo at me mga magagandang compositions din. Naniniwala ako na para maging malakas ng Church dapat na malakas din ang music. Meron kasi itong natatanging papel para paipahatid ang mensahe ng Diyos sa mga tao.
Me tanong ako, bakit hanggang ngayon di pa nare record ang mga gawang kanta ng mga taga Rizal sa kabila na maganda naman ang pagkakagawa at me mga talento naman ang mga mang-aawit?
Usapin ba ito ng marketability? Mahal kasi ang gugulin sa pagbuo ng isang album. Ang alam ko pinaka mura na ang P250,000.00 ang package. Paano ito babawiin ngayon na naglipana ang pirated copies ng mga CDs? Ano ang papel na pwede gampanan ng Ps333.net para matulungan ang industriyang ito sa loob ng komunidad ng Kristyano?
Palawigin nga natin ang usapang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng opinyon at suhestiyon mula sa inyo mga kapatid. Mabuhay tayo at Purihin ang Panginoon!
Palagay ko ang paglabas album ay bunga ng pangangailangan na maging available ang particular na awitin sa anumang oras na gusto mo itong mapakinggan.
Pero, sa paggawa nito ay una nga may involve na pera o puhunan isama pa ang panahon na ginugol at talento ng mga taong kasama sa pagbuo ng album. Dahil sa isyu ng piracy, di naibalik ang puhunan ng investor na nagtiwala sa artists at yung artists ay di rin na-compensate at dahil doon ang buong industriya ay namamatay na. Ito ang dahilan kung bakit nawala na ang Papuri...me lumalabas ngayon na ilang mga albums pero di na kasing sigla noon ayun sa mga mga nabuhay sa panahon ng papuri at sarilikha.
Anu-ano ang mga ibubunga nito?
1. Deprived na ang mga batang musikero na tulad natin na maranasan ang ultimate experience of sharing our musical expression on a wider scale through recordings.
2. Nawawala na rin ang sigla ng local gospel music na malaking tulong sa mga churches para sa kasiglahan din ng mga Kristyano lalo na sa mga kabataan tulad natin.
3. ultimately, di na mapapalago pa ang sining na mayroon tayo at unti-unti ay mawawala na ito.
Ang lahat ng yan ay dahil sa PIRACY na pumasok na din sa Iglesya ng Panginoong Hesus. Di ba immoral ito?
Tingin ko is money and promotion... Kahit sa ibang bansa kahit makapaglabas ka ng album at maganda mga songs kung di maipromote ng maayos wala rin.
On the other side ng topic na ito, napagusapan na ito dati ng PS. Na we can compile our compositions and gumawa ng album ng PS.33:3, wherein isang way rin para magkaroon ng budget and at the same time makapag share ng gospel through music, since this is our calling. And I think there would be no problem in terms of musicians and songs. Ang deal lang talaga dito una is money for recording and mass production. Actually we can record lang talaga sa houses, ako I have an m-audio audio interface here. And ginawa na rin namin to in one recording album, drum tracks lang talaga ang take namin sa studio kasi it requires ng multi track talaga sa mics. Then other instruments sa bahay lang namin. Regarding marketing, I think PS could manage that, lalo na we have a website, we can post the clips of the album here and sell the album in every events. Although may mga ibang sides pa siguro na I missed but I think may mga kakakilala tayo who could manage that.
And since na raise ang topic na ito, pray na mag push through ito, and may mag support sa'tin financially. I can feel it in my Spirit na in no time, this will come to pass.
Share ko lang and ask na din idea nyo about this, medyo confusing lang :D
Eto yung ibang naririnig ko lang na question na di ko minsan masagot.
1. Kailan ba masasabing ginagawa nalang business o ministry ang Christian Albums.???
2. Bakit ang mahal ng mga TF (Talent Fee) ng iba, as in di na sya makatarungan, hahaha
Sample mag iinvite ng Foreign Band like Hillsong. Oo may talent fee sila syempre pero bakit nung may nagtanong bkit sya lang pumunta or bakit sila lang. ang sagot na naririnig ko, ang mahal daw kasi ng talent fee. . . ???? Pero sabi nila sa hillsong ministry nila na magworship sa ibang mga lugar din. I'm not criticizing Hillsong pero i want to focus on this question, "Kelan nagiging business o ministry ang isang christian worship team / band.?"
Sagot ko sa ibang question jan, Of course need nila mabawi yung pagod at nagastos nila sa production ng albums. yung sa bakit ang mahal, siguro mahal ginastos nila sa recording at production, ang di ko masagot yung bakit sobrang mahal, na di na makatarungan. hahaha! dahil ba sikat sila??? is that a valid answer sa ating mga christians pero ang sinasabi nila ministry nila yun, at madami pang conflict na tanong dito hahah!? yun lang pashare naman din po ideas nyo about this, pwedeng may mali ako nasabi dito, feel free to correct me :D
mabalik tau sa topic.
Malaki talagang dapat iconsider like what mhackee have in his comments, na money & promotions ang unang kailngan sa pag produce ng album. Ano ba ang tamang pag lalagay ng price sa album na ito, ok lang ba na gawing business ang ministry ng pag produce ng album??? Sa talent fee oo ok lang sakin may talent fee talaga dapat sila, pero pag nag presyo na ng sobrang taas eh ministry padin ba un o business na??? hehehe!
Maganda yung questions ni Kuya Jedz. I will try to answer those but allow me to share muna a verse in the Bible to make my answers relevant. Sa Beatitudes ng Panginoon ay sinabi niya na "Blesses are the "PEACEMAKERS" for they will be called the sons of God." Naalala ko minsan ay sinabi ng daddy ko na mahirap isalin sa tagalog ang original nito na ang root word e "shalom". Sa Mga Israelita ito ay ginagamit na pagbati na maihahalintulad sa "Good day". Pero ang literal translation ng shalom ay "May all good things be upon you." Kung isasalin sa tagalog ito ay nangangahulugan na "GINHAWA". I also recall na sinabi ni Daddy na peace can only be achieve here in our country kung may kaginhawahan na inilalatag ang government sa lipunan. Ano ang kaugnayan nito sa topic?
1. Ano ang dividing line ng ministry at business?
Minsan naiisip natin na ang isang ministry ay parang business dahil sa me involve na usaping pinansiyal. With regards sa talent fee, karapatan ng mga taga Australia na ilapat sa kanilang economic situation ang paghingi ng talent fee.Medyo mahirap din naman kasi na baka mag-abono pa sila kung hindi naman angkop sa kalagayan nila ang TF nila. Ito rin mismo ang dahilan na anririnig ko kung bakit unti-unting nawala ang Papuri kasi di nila magagawang mabuhay ang kanilang pamilya dahil sa madalas e nate tenk yu sila. Isaalang-alang din natin ang kanilang pangangailangan.
Tanong: Makatuwiran ba na tayo ay napapaglingkuran o napapalakas pero sila (mga artists) naman ay di natin natutugunan para sila man ay makaranas ng kalakasan?
Besides, ang paglilingkod ay personal choice at di ini-impose ng iba sa atin. Otherwise, it is not a ministry anymore. Kaya siguro sila nanghingi ng TF dahil di nila decision pumunta dito. Sila ay invited as artists.
Ako ito lang prayer ko. Kung sakaling magkaroon ng album ang ps333 sana hindi ito piaratahin at maalala nila na ang pagnanakaw ay isang seryosong kasalanan na pwede maging dahilan ng malaking kabayaran at nawa ay kilalanin ang mga artists at pahalagahan sila bilang tao na nangangailangan din tulad ng karamihan. Maging makatarungan tayo sa ating mismong komunidad. Nagagawa nga natin na magbayad ng mahal sa concert ng mga artista ng musdo, dapat lalo na sa mga kapatid natin sa Panginoon. Nawa'y maging KAGINHAWAN tayo ng isa't-isa para magkaroon ng tunay na kapayapaan dito sa ating bansa. Mabuhay tayo at pagpalain ng Panginoon. :)
My idea in Talent Fee.
1. For me, if nag miminister ka, part ng ministry mo ang sacrifices, totoo yan, as i have seen din sa tatay ko, pastor din kasi tatay ko and to those na kakilala ko pang ibang pastor. madaming sacrifices mga yan.. There should be always have a Love Gift, that assures yung gastos ng worker (pastor, WLT etc.) papunta dun sa lugar hanggang makabalik, yan yung sa part ng worker.
at ito ang malaking PERO
2. Sa part ng chiristians / congregation / listeners etc. , ito ang para sa atin / sayo
"Christians have a spiritual need to give, to share their resources and blessings with others. They have a duty to support the preaching of the gospel and give financial support to their leaders."
Luke 10:7 (New International Version)
Stay in that house, eating and drinking whatever they give you, for the worker deserves his wages. Do not move around from house to house.
1 Timothy 5:17-18 (New International Version)
The elders who direct the affairs of the church well are worthy of double honor, especially those whose work is preaching and teaching. For the Scripture says, "Do not muzzle the ox while it is treading out the grain," and "The worker deserves his wages."
In short SUPPORT THE WORKERS more than their needs.
3. Warning to those who makes the ministry as their business.
Jesus warns us about the dangers of greed and about the danger of storing up wealth for self without being "rich toward God" (Luke 12:15-21).
"Watch out! Be on your guard against all kinds of greed;
in summary sa post ko
Wala ako nakita na dapat tau mag mabigay ng cost kung magkano dapat nating mareceive na talent fee, PERO dapat makareceive ng blessing ang workers (kung sino man invited, pastor / wlt /etc.) dahil yan ang nakalagay sa bible, support the workers of God. Give more than their needs, they deserve that.
In other words, NOW correct me if I'm wrong, wag na natin isama Hillsong hahaha!
if a worker invited as artist or a performer and tell this my TALENT FEE, they go there because of business not for a ministry??? tama ba?





For me, madami talaga may talent sa rizal, good singers and bands with great compositions.
Sa recording for me, of course #1 kailangan jan is money. kung wala ka sapat na budget for that, it's either mag record ka nalang sa sarili mong computer using gadget, sound cards, midi peripherals etc. tapos edit mo pa. and then dun padin magiging bagsak mo sa production ng copies, gastos padin. na less lang yung cost ng recording.
Sa Music industry, masyadong malawak ang issue jan, if you want na makilala at mabawi yung cost na ginastos mo sa recording & production syempre dapat mabili yung CD mo, pero before mabili yan it takes a long procedure, dapat madami kayo guesting, promotions, lumalabas yung song nyo sa radio at kailangan nyo ng malupet na manager jan na madaming contacts talaga in other words dapat makilala kayo.
Sa pirated cd's, mahirap maiwasan yan hangang may murang CD & ODD jan sa market.
siguro ito yung isa pang question: yung mga bands & singers jan, pangarap o plano ba nilang makilala at mag produce ng CD?
Yung iba kasi ok na sa makatugtog sila at hanggang dun nalang, yung iba naman syempe pangarap magkaroon ng sariling album.